Pilipinas, target na maging regional cruise center ng Asya

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinisimulan na ng Department of Tourism (DOT) ang layunin nito na maging isang “regional cruise center” sa Asya.

Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, magmula nang buksan ang bansa para sa international travel ay naging “very viable tourism product” para sa Pilipinas ang cruise tourism na may mahigit 34 na porsiyentong pagtaas sa cruise calls ng bansa kumpara sa mga bilang mula 2019.

Patuloy rin na binigyang-diin ng Tourism Chief ang pagsisikap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyaking ganap na magbubukas ang Pilipinas sa paglalakbay at turismo.

Kabilang sa mga bagay na tinalakay sa forum ay ang natitirang mga travel restriction at mga arrival protocol para sa mga hindi bakunadong cruise passengers; ang patuloy na improvement at integration ng e-Travel Pass, Shore Pass bilang pangunahing pangangailangan para sa cruise tourism; ang pagpapatupad ng pagpapalabas ng cruise visa waiver; at status updates sa patuloy na refurbishment ng Eva Macapagal Terminal sa Maynila bilang dedicated cruise port; pati na rin ang mga exploratory efforts sa pagbubukas ng mga daungan ng Cebu para sa mga cruise calls.

Dinaluhan ang nasabing pagpupulong ng mga matataas na opisyal ng DOT, mga kinatawan mula sa Department of Information and Communications Technology, Bureau of Immigration, Bureau of Quarantine, Philippine Ports Authority, mga pribadong cruise at shore excursion companies, at mga port handlers.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us