Pilot implementation ng mga proyekto sa ilalim ng Food Stamp Program, aprubado na ni Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na ni Pangulong Fedinand R. Marcos Jr. ang pilot at ganap na implementasyon ng Food Stamp program, kung saan nasa isang milyong pinakamahihirap na household ang target ng pamahalaan.

“It’s all green lights, go na for the pilot which will take place shortly. From the pilot, we will see the nuances – what needs to be improved, what needs to be enhanced, what needs to be discontinued – and run for six months.” —Secretary Gatchalian.

Ang programa ay mapopondohan sa pamamagitan ng grants mula sa Asian Development Bank (ADB), JICA, at French Development Agency, na tinatayang nasa US$3 million.

“Uulitin namin, ang marching order ng Pangulo, dapat malabanan natin ang stunting at ang gutom; pagsasanib-puwersa ng mga iba’t ibang programa ng gobyerno para hindi sila piece by piece ang turing sa mga programa.” —Secretary Gatchalian.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinatitiyak rin ni Pangulong Marcos Jr. na makatatanggap ng tamang nutrisyon ang mga buntis at lactating women.

“Crucial iyong period na iyon kasi nga may mga studies that show na by the time na makarating sila ng daycare, iyong stunting nangyari na, so irreversible na. Ang paradigm shift natin sa administrasyon na ‘to kung kaya ko sabihin siguro, iyong attacking the problem doon pa lang sa first one thousand days.” —Secretary Gatchalian.

Sa ganitong paraan aniya, hindi lamang problema sa malnutrisyon ang matutugunan ng pamahalaan, gayundin ang problema sa pagkabansot ng mga bata, dahil pinu-puntirya ang mismong ugat ng malnutrisyon.

“Majority of the feeding programs natin – majority, I’m not saying all – sa national government are facility-based feeding program. Na-capture na natin sila, naglalakad na iyong bata so to speak, pero iyong nasa tiyan—nasa sinapupunan pa lang siya, wala pa tayong ganoon ka-aggressive na programa. And if I may boldly say, it is in this administration that we’re going to tackle the problem even before they get to our facilities.” —Secretary Gatchalian.

Lumalabas kasi sa datos na 21.6% ng 0 hanggang 23 months old na sanggol ang kinakitaan ng pagkabansot.

“So it’s an exciting program kasi it’s multidimensional. And alam ninyo naman kapag multidimensional, it’s no longer a DSWD program by itself. The Department of Agriculture, Department of Health, DILG, DTI, kasi ‘di ba may work component ito, may work requirement, and then the other agencies like TESDA, FNRI. It’s now a bigger program that is no longer standalone.” —Secretary Gatchalian.

Habang 28.7% naman ng mga bata na nasa edad limang taon gulang pababa ay bansot.

Sa ilalim ng food stamp o Walang Gutom 2027 program, layon ng pamahalaan na magbigay ng electronic benefit transfer na nagkakahalaga ng Php3, 000, upang ipambili ng mga benepisyaryo ng mga masusustansyang pagkain mula sa DSWD accredited local retailers. | ulat ni Racquel Bayan

📷: PCO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us