Pinal na bersyon ng Maharlika Investment Fund bill at 2 pang panukalang batas, napirmahan na ni Senate President Migz Zubiri

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napirmahan na ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang ratified bill ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.

Naganap ang pagpirma sa naturang panukala sa Philippine Embassy sa Washington DC, USA.

Kasama ring napirmahan ang enrolled bill ng panukala sa pagpapalawig ng Estate Tax Amnesty at ang pagdedeklara sa Baler, Aurora bilang birthplace ng Philippine surfing.

Si Senate Secretary Renato Bantug, na bahagi ng Senate Contingent para sa working visit sa US ang nagdala ng pinal na kopya ng panukala sa Washington.

Ayon kay Zubiri, ang Maharlika bill ay isang priority measure habang ang Estate Tax Amnesty bill naman ay time-sensitive at maraming naghihintay sa mga panukalang ito.

Nilinaw rin ng senate president, na walang gastos para sa pamahalaan ang pagpapadala ng mga panukalang ito sa US para mapirmahan ng lider ng Senado, dahil isinabay lang ni Secretary Bantug ang mga  ito sa kanyang pagbiyahe.

Nagsilbi namang witness sa pagpirma ni Zubiri sa ratified bill sina Ambassador Jose Manuel Romualdez at Senador Francis Tolentino na bahagi rin ng working visit.

Tiniyak rin ni Zubiri, na masusing tinalakay ng majority bloc ang mga correction na ginawa sa MIF bill.

Oras na mapirmahan na rin ni House Speaker Martin Romualdez ang ratified version ng mga panukalang ito ay maipapadala na ito sa Malacañang, para mapirmahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang ganap nang maging isang batas. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us