Pinalawak na hemodialysis package ng PhilHealth, gumugulong na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula na ngayong araw (Hunyo 22) ang pinalawak na coverage ng PhilHealth para sa mga pasyentente sumasailalim sa hemodialysis.

“Ibig sabihin po nito ay hindi na mangangamba iyong marami nating mga kababayan, lalo na iyong kapos sa budget sapagkat covered na po ng PhilHealth lahat ng kanilang standard dialysis requirement para po sa buong taon.” —Baleña

Mula sa dating 90 sessions na covered ng PhilHealth, ini-akyat na ito sa 156 session, alinsunod sa nauna nang kautusan ni Pangulong Fedinand R. Marcos Jr.

“Iyong 156 session, ito ay alinsunod doon sa standard dialysis requirement ng isang pasyente, na at least mayroon siyang tatlong session kada linggo at kung iyan ay imu-multiply natin sa 52 weeks, ito iyong buong taon. Iyan po kaya nag-156 kaya lalabas.” —Baleña.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni PhilHealth Corporate Affairs Group VP Rey Baleña na malaking tulong ito lalo na sa mga pasyenteng mayroong chronic kidney disease na nasa Stage 5 na.

Ang PhilHealth aniya ay nagbabayad ng Php2,600 kada session.

Kung dati, nasa Php234, 000 nang kabuuang ayuda kada taon na ibinibigay ng tanggapan, para sa 90 hemodialsys session, sa kasalukuyan, a-akyat na rin ito sa Php405, 600.

“Paraan po ito ng PhilHealth, Sir Aljo, para makapagbigay tayo ng sapat na financial protection sa mga pasyente na nangangailangan ng dialysis.” —Baleña.

Kailangan na lamang aniyang siguruhin ng mga pasyente ay nakatala ang kanilang pangalan sa PhilHealth dialysis database, at ang pagsailalim nito sa nabanggit na procedure ay rekomendado ng isang lisyensyadong doktor.

“Kapag iyong pasyente na hindi o walang chronic kidney disease stage 5, pero nangangailangan ng emergency dialysis, halimbawa, sila ay may leptospirosis, iyong pasyente ay makaka-avail ng emergency dialysis, at ito po ay hindi ibabawas doon sa 156 hemodialysis treatment sessions. Para sa kaalaman ng lahat, tayo po lahat as principal members ng PhilHealth ay mayroong 45 days kada taon na covered at hiwalay din ang 156 hemodialysis coverage sa 45 days na iyan.” —Baleña. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us