Planong pag-eempleyo ng mga unlicensed Nursing graduate, dapat tiyakin alinsunod sa mga batas, iba pang panuntunan — Sen. Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Department of Health (DOH) na pag-aralang mabuti ang planong bigyan ng temporary license ang mga Nursing graduate na hindi pa nakakapasa ng board.

Ayon sa Senate Committee on Health chairperson, may mga umiiral na batas at mga panuntunan na sinusunod para mapanatili ang professional standards at maprotektahan ang buhay, kaligtasan, at kapakanan ng mga pasyente.

Nilinaw naman ni Go na sang-ayon siya sa naturang plano dahil makakadagdag ito sa healthcare workforce ng Pilipinas.

Gayunpaman, dapat aniyang bigyan lang sila ng tungkulin na angkop lang sa kanilang kakayahan at kaalaman at hindi pantay sa mga lisensyado nang mga nurses.

Sinabi rin ng senador na bagamat isa itong solusyon sa pagtugon sa medikal na pangangailangan ng bansa ay dapat ang layuning patuloy na pagsikapang abutin ay ang pagpapabuti ng medical education sa Pilipinas para maging sapat ang bilang ng mga kwalipikadong healthcare professionals.

Kaugnay nito ay inihain ni Go ang Advanced Nursing Education Bill na layong pagbutihin ang Nursing education sa pamamagitan ng pagsasama ng community integration at immersion sa curriculum para mahikayat ang mga Nursing graduate na magtrabaho sa mga lokal na komunidad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us