Suportado ng Department of Human Settlements and Urban Development ang planong pagpapatayo ng mura at disenteng housing project ng pamahalaang lungsod ng Catbalogan sa Samar
Nakipagpulong na kay Secretary Jose Rizalino Acuzar si Catbalogan City Mayor Dexter Uy para sa isang partnership sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.
Isang Memorandum of Agreement ang kanilang nilagdaan para maisakatuparan ang proyektong pabahay.
Target ng LGU na matulungan ang mahigit 1,300 pamilya sa kanyang nasasakupan para mabigyan ng pabahay.
Bahagi ito ng kanilang pagsisikap na mabawasan ang 15,000 housing backlog sa lungsod. | ulat ni Rey Ferrer