PNP, AFP, dapat maging proactive sa posibleng regrouping ng Maute Group

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng proactive measures para maiwasan at mapigilan ang sinasabing unti-unting pagbuhay sa Maute Group o ang grupong nasa likod ng Marawi Siege noong 2017.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng pahayag ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Chief of Staff Manggay Guro Jr. na tila nagkakaroon ng regrouping ang Maute Group.

Giit ni Dela Rosa, kung may ganitong impormasyon ay hindi dapat tutulog-tulog ang Pambansang Pulisya at militar at aksyonan ito kaagad.

Aniya, dapat ay natuto na ang security forces ng gobyerno mula sa 2017 Marawi Siege at iwasan nang magkaroon ito ng Part 2.

Apela rin ni Dela Rosa sa PNP at AFP, paigtingin ang kanilang intel sa lugar.

Dinagdag rin ng senador na maging ang mga lokal na pamahalaan ay dapat ring maging mapagmatyag at kumilos sa naturang posibilidad.

Sa bahagi naman ni Dela Rosa, personal aniya niyang kukumpirmahin ang impormasyon na ito tungkol sa Maute Group. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us