Isinagawa kagabi ang send off ceremony para sa security forces na ipapakalat sa Carmona, Cavite bago ang plebisito para sa cityhood ng naturang bayan.
Ipinakalat na rin sa lugar ang mga Police checkpoint upang ipatupad ang gun ban hanggang July 15.
Ayon kay Cavite Provincial Director PCol. Christopher Olazo, spot checks lamang ang gagawin at hindi ipabubuksan ang pintuan o trunk ng sasakyan.
Ipatutupad naman ang liquor ban bago at sa mismong araw ng botohan sa July 8.
Hiniling naman ni Olazo ang kooperasyon ng publiko sa kasagsagan ng pagpapatupad ng mga checkpoint. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.
