Posibilidad na pagtaas sa alert level 4, nakadepende sa magiging aktibidad ng bulkang Mayon ayon sa provincial government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakadepende sa magiging lagay o aktibidad ng bulkang mayon ang pagtataas sa alert level 4 kung magpapatuloy ang pag-aalburoto nito.

Sa isang press conference sinabi ni Albay Governor Edcel Grex Lagman, na ayon sa pakikipag-usap nito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) at Department of Science and Technology (DOST), na malaki ang magiging posibilidad sa pagtaas nito sa alert level 4 ngunit ibabase ito sa magiging aktibidad sa mga susunod na oras at araw.

Kaugnay nito, nakatakdang magbigay ng nasa P33 million financial aid si House Speaker Martin Romualdez mula sa iba’t ibat ibang mga mambabatas.

Nakahanda naman ang nasa 102,000 food packs na nakatakdang ipamigay sa mga residenteng naapektuhan ng bulkang Mayon na tatagal ng 15 araw.

Dagdag pa ni Lagman, nakatakdang makipagpulong ito kay DOST Secretary Renato Solidum at DILG Secretary Benhur Abalos Jr. upang kamustahin ang sitwasyon sa Albay. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us