Sa layong maisulong ang renewable energy sa bansa ay nakipagtulungan ang National Power Corporation sa National Power Corporation (NAPOCOR) sa German-Philippine Chamber of Commerce and Industry (GPCCI) para sa pagtutulak ng Green Hydrogen Technology.
Pinangunahan ni NAPOCOR President at CEO Fernando Martin Roxas at GPCCI President Stefan Schmitz, ang paglagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa isang komprehensibong feasibility study sa implementasyon ng Green Hydrogen Technology sa off-grid areas o mga malalayong isla sa bansa.
Kasama sa pag-aaralan ang modernisasyon sa power generating assets sa off-grid areas, sa pamamagitan ng pagpapalit ng diesel powered system sa green hydrogen at fuel cell technologies.
Naniniwala ang GPCCI na malaki ang potensyal ng Green Hydrogen Technology, na maiangat ang energy landscape at maitulak rin ang sustainable development ng Pilipinas.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni NAPOCOR President Mr. Fernando Martin Roxas, na makatutulong ang kolaborasyon para makita kung paano makakapaghatid ng mas murang kuryente sa mga rural area sa bansa.
“With our mandate to provide electricity to rural areas and our commitment to optimizing power generation assets, this collaboration presents an opportunity to modernize power systems and reduce emissions. We believe this feasibility study will pave the way for a sustainable and climate-friendly energy transition in the Philippines.” NAPOCOR President Mr. Fernando Martin Roxas
Umaasa ang NAPOCOR at GPCCI na sa tulong ng proyekto ay maisulong ang sustainable at climate-friendly energy transition sa off-grid areas sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa