PRC, nagbigay ng tips kapag may pagsabog ng bulkan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaalala ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga dapat gawin kapag may pagsabog sa bulkan.

Ngayong nakataas na ang alert status ng bulkang Mayon sa Albay at Taal sa Batangas, nagbigay ng tips ang PRC para maging gabay ng mamamayan.

Pinapayuhan ang publiko na sundin ang mga utos ng paglikas na ibinababa ng mga awtoridad at gawin agad ang emergency plan.

Pangalawa, ang pagsuot ng face mask bilang proteksyon sa sarili.

Paalala din ng PRC na dapat ay nakasara ang mga bintana at pintuan upang maiwasan ang pagpasok ng abo.

Sinabi pa ng PRC, kailangan ding makinig sa radyo at telebisyon para malaman ang mga impormasyon at paalala mula sa pamahalaan.

Higit sa lahat, dapat ay may nakahanda nang lifeline kit ang pamilya at proteksyunan ang mga mata sa pamamagitan ng pagsusuot ng goggles, at siguraduhing natatakpan ang balat.

Sa paglikas, kinakailangan ding isama sa evacuation areas ang mga alagang hayop at higit sa lahat ay isulat at tandaan ang mga emergency numbers. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us