Presensya at pagpapatrolya ng pamahalaan sa WPS, patuloy na pinalalakas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na pinalalakas ng pamahalaan ang presensya nito at pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS), partikular upang malabanan ang illegal fishing sa lugar.

“Sa pagtutulungan po namin, with the Philippine Coast Guard and the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagpapatrolya po ang ating mga barko diyan sama-sama – Philippine Navy at [Philippine] Coast Guard and the BFAR para po bantayan ang ano man pong mga illegal activities.” — Carlos

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni Philippine Navy Vice Admiral Alberto Carlos na kung mayroon aniya silang na-monitor na illegal fishing sa lugar, tulad ng cyanide fishing at compressor fishing, agad nila itong tinututugunan.

Bukod dito, patuloy rin aniya nilang pinalalawak ang maritime domain awareness at pagmo-monitor sa area of responsibility ng bansa, upang matiyak na walang illegal fishing na nagaganap sa teritoryo ng Pilipinas.

“Iyan po ay patuloy na pag-monitor sa atin pong area of responsibility para po matiyak na wala pong illegal fishing activities at kung mayroon man ay ito ay kaagad nating rirespondehan at mapatigil para po mapalagay at mapangalagaan po ang ating karagatan.” — Carlos

Kaugnay nito, patuloy rin aniya nilang hinihikayat ang mga Pilipinong mangingisda na pumalaot at maglayag sa West Philippine Sea, lalo’t nagiging katuwang aniya nila ang mga Pilipinong mangingisda sa pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas sa karagatang sakop ng bansa. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us