Presyo ng bigas, tumaas — DA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Agriculture na may paggalaw sa presyo ngayon ng bigas sa mga pamilihan.

Ayon kay DA Asec. Kristine Evangelista, batay sa kanilang price monitoring ay umakyat ng ₱2 ang presyo sa kada kilo ng bigas.

Sa ilang palengke sa Metro Manila, ₱38 nalang ang pinakamurang bigas habang ang ibang palengke ay nasa ₱40-₱45 na ang bentahan ng kada kilo nito.

Paliwanag ng DA, mas marami kasing well-milled o magagandang klase ng bigas ang available ngayon sa mga pamilihan.

Factor din aniya ang mas madalas na pag-ulan kaya maaaring nahihirapang magpatuyo ng palay ang ilang magsasaka.

Patuloy namang binabantayan ng DA ang ‘cost structure’ at ang posibleng pagmamanipula ng presyo ng mga trader na nagdudulot ng paggalaw sa bentahan ng bigas ngayon.

Tinitignan din ang anggulo ng hoarding o mga trader na nang-iipit ng suplay.

Sa datos ng DA, nasa 9.4-M metriko tonelada ang kabuuang suplay ng bigas para sa buwan ng Hunyo na sobra-sobra para sa demand na 7-M MT.

Bukod dito, mayroon pa aniyang buffer stock na hanggang 64 araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us