Makalipas na ilagay sa alert level 3 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST) ang bulkang Mayon at nagdeklara na under State of Calamity ang lalawigan ay nagpatupad naman ang Department of Trade and Industry (DTI) ng Advisory ukol sa Price Freeze. Sa ilalim ng probisyon, itatakda ang presyo ng mga basic commodities ayon sa prevailing prices sa loob ng 60 araw. Ang paglabag sa probisyon ay mauuwi sa pagbayad ng multa (mula P5,000 hanggang P1- milyon) o di kaya pagkakulong (ng isang taon hanggang 10 taon).
Ang ahensya ay nagsasagawa ng pag-ikot sa mga merkado ng Albay para mag-monitor ng presyo at matiyak na may sapat na suplay ng basic commodities sa lalawigan. Hinimok ng ahensya ang mga konsyumer ng ipagbigay-alam kaagad ang anumang iregularidad sa presyo partikular na ang sa basic commodities tulad ng sardinas, gatas, kape, sabong panlaba, noodles, kandila, tinapay, at asin.
Batid ng mga tindera sa pamilihang bayan ng Legazpi na may umiiral na price freeze sa Albay. Ani pa nila mas hindi sila mabebentahan kapag ka tinaas pa nila ang presyo.| ulat ni Twinkle Neptuno| RP1 Albay