Para sa mga nagbabalak na bumili ng mga sangkap sa pagluluto ng kaldereta sa Alabang Central Market sa Muntinlupa City, narito ang presyo ng mga sangkap na kakailanganin ninyo sa pagluluto.
Tumaas ng ₱10 ang kada kilo ng carrots na nasa ₱90, mula sa ₱80 noong nakaraang linggo, habang nananatili naman ang kada kilo ng patatas sa ₱90.
Kung ang luto ng kaldereta ng baboy, kinakailangan ay liempo ang parte ng baboy sa pagluluto kung saan aabot sa ₱370 ang kada kilo nito, walang pinagbago sa presyo nito noong nakaraang linggo.
Kung gusto niyo naman ng baka, nasa ₱420 kada kilo naman ang tapadera, habang bumaba sa ₱390 ang kada kilo ng beef brisket o puntay pecho, mula sa ₱400 kada kilo noong nakaraang linggo.
Hindi kumpleto ang kaldereta kung walang atay ng manok na nasa ₱220 ang kada kilo.
Kung bibili naman ng mantika, nananatili sa ₱30 ang 350 mL ng Palm Oil at ₱104 naman ang isang litro.
Wala namang naging paggalaw sa presyo ng mga pampalasa, tulad ng pulang sibuyas na nasa ₱150 ang isang kilo, puting sibuyas na nasa ₱140 ang kada kilo, at bawang na nasa ₱120 ang kilo. | ulat ni Gab Humilde Villegas