Probisyon na nagbabawal na mag-invest sa ipinapanukalang Maharlika Investment Fund ang GSIS, SSS, malinaw — Sen. Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senate Majority Leader Joel Villanueva na walang puwang para sa ibang interpretation ang inilagay ng Senado na probisyon sa Maharlika Investment Fund (MIF) Bill tungkol sa pagbabawal sa pension funds ng SSS at GSIS na mag-invest sa MIF, mandatory man o voluntary.

Bukod sa SSS at GSIS, kasama ring bawal na mag-invest sa MIF ang PhilHealth, Pag-IBIG, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).

Katunayan ayon kay Villanueva ay tatlong beses inulit ang prohibition na ito.

Una sa bahaging nagtatakda ng preferred investors ng Maharlika Investment Corporation (MIC); sa bahaging tumutukoy ng capitalization ng MIC; at sa bahagi tungkol sa mga investors ng MIF.

Umaasa ang majority leader na ang implementing rules and regulations (IRR) na mabubuo sakaling maisabatas ang MIF bill ay magiging tapat at susundin ang panukalang kanilang inaprubahan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us