Probisyon sa Revised Penal Code na nag-aabswelto sa kasong rape, pinaaamyendahan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais nang ipabasura ni Cotabato Representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos, ang batas kung saan mabubura ang kasong rape kung pinakasalan ng rapist ang kaniyang biktima.

Sa inihain nitong House Bill 8469, itinutulak ang pag-amyenda sa ARTICLES 13, 23, 89, at 344 gayundin ang pagpapawalang bisa sa ARTICLE 266-C ng Revised Penal Code.

Batay kasi sa kasalukuyang batas, mabubura ang criminal liability ng isang akusado sa panggagahasa kung pinakasalan nito ang kanyang biktima.

Kung ang salarin naman ay ang mister, mababasura ang kaso kapag pinatawad na siya ng kanyang misis.

Aniya, maliban sa hindi na angkop ang mga batas na ito sa kasalukuyang panahon, hindi rin aniya katanggap-tanggap na ginagamit ang pagpapakasal bilang panangga sa nagawang krimen.

“These forgiveness clauses in our rape laws are regressive and have the inevitable potential of leading to further abuse of the victims. As previously recommended by the Philippine Commission for Women (PCW) in its legislative agenda, these forgiveness clauses should be removed,” giit ni Santos. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us