Umaapela ang National Water Resources Board (NWRB) sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig, bilang paghahanda sa pinaka epekto ng inaasahang El Niño phenomenon sa Pilipinas.
Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Sevillo David Jr. na nakikita na kasi ang kabawasan sa mga mararanasang pag-ulan sa bansa dahil sa El Niño, na makaapekto naman sa water supply.
Dahil dito, ngayon pa lamang, kailangan nang maging matalino ang publiko sa paggamit ng tubig.
Mag-recycle aniya hanggang maaari, at tiyakin na walang tagas ang tubo sakanilang mga bahay.
Sila aniya sa pamahalaan ay nagpapatupad na ng mga hakbang upang mapangalagaan ang pangangailangan sa tubig ng bawat bahay, maging iyong para sa irigasyon. | ulat ni Racquel Bayan