QC LGU, muling ginawaran ng ‘unqualified opinion’ ng COA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa ika-tatlong sunod na taon ay muling nakatanggap ang Quezon City Local Government ng “unqualified opinion” mula sa Commission on Audit (COA) matapos ang assessment sa 2022 annual audit report ng lungsod.

Ang paggawad ng “unqualified opinion” ay nangangahulugang maayos at tapat ang paggasta ng isang institusyon sa pondo ng bayan at walang bahid ng anumang korapsyon.

Para kay QC Mayor Joy Belmonte, patunay lamang ito ng tuloy-tuloy na tapat na pamamahala, at pagiging masinop ng LGU sa paggamit ng pondo ng taumbayan.

Kasunod nito ay kinilala naman ng alkalde ang naging ambag ng mga kawani sa syudad para maabot ang mataas na audit rating.

“Hindi natin maaabot ang pagkilalang ito kung hindi dahil sa masisipag at tapat na mga tauhan ng ating siyudad. Para sa inyo ang parangal na ito,” pahayag ni Mayor Belmonte.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us