QC LGU, nakiisa sa 2nd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakibahagi rin ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa ginanap na 2nd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.

Pagpatak ng alas-9 ng umaga, sabay-sabay na nag-duck, cover, and hold ang mga kawani pati na ang mga bumibisita sa Quezon City Hall sa scenario ng pagtama ng isang magnitude 7.2 na lindol.

Ipinwesto naman sa QC Hall Flag pole ang Incident Command Post kung saan nasubok ang kakayahan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office at iba pang emergency response team ng LGU sa mga insidente ng sunog, looting at mga nagbagsakang debris dahil sa lindol.

Ipinamalas din ng mga tauhan ng QC LGU ang kanilang kakayahan sa pagtatag ng Temporary Shelter, pagtayo ng Treatment and Triage facilities, pamamahagi ng hot meals, at Rapid Damage Assessment and Needs Analysis.

Layon ng naturang earthquake drill na sanayin ang kahandaan hindi lang ng mga kawani kundi maging ang publiko sa pagkakataong tumama ang malakas na lindol sa Metro Manila.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us