Nakipagpulong na sa Quezon City Police District ang Quezon City Traffic and Transport Management Department para paghahandaan ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr sa buwan ng Hulyo.
Ayon kay QCTTMD Chief Dexter Cardenas, kanila nang inilatag sa pulisya ang traffic management plan na ginagawa na tuwing may SONA.
Hindi rin nila isinasantabi ang mga kilos protesta ng mga militant organization na dapat ding paghandaan.
Pagtiyak pa ni Cardenas na makipagpulong din sila sa mga organizer ng rally bago ilatag ang kanilang mga plano.| ulat ni Rey Ferrer