Ibinahagi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga programa ng lokal na pamahalaan na nagsisiguro sa kapakanan ng mga overseas Filipino worker at kanilang pamilya.
Sa pagdalo ni Belmonte sa Bridging Recruitment to Reintegration in Migration Governance o BRIDGE Fair, ibinida nito na saklaw ng kanilang programa ang preparasyon sa pag-alis ng bansa hanggang sa pagbabalik ng OFW.
Kabilang na rito ang Migrant Resource Center na one-stop ship ng lahat ng serbisyo para sa OFW at ang e-Habilin program na tumitiyak na naaalagaan ng city government ang mga anak at nakatatanggap ng pangangailangan.
Sinabi ni Belmonte na sumasailalim sa pre-departure orientation at financial literacy seminar ang mga OFW at kanilang pamilya.
Ang BRIDGE Fair ay programa na binuo ng International Organization for Migration, International Labour Organization at United Nations Entity for Gender Equality and the Empowerment of Women sa pakikipagtulungan ng Migration Multi-Partner Trust Fund. | ulat ni Hajji Kaamiño