Epektibo na ngayong araw ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Ito ang pinakamalawak na free trade deal sa mundo na nilagdaan noong 2020 ng ASEAN Member States at ng mga free trade agreement partner kabilang ang Australia, China, Japan, South Korea, at New Zealand.
Ayon kay DTI Assistant Secretary Allan Gepty, malawak ang benepisyo na dala ng RCEP sa bansa.
Kabilang na rito ang zero percent o mas mababang taripa sa mga produktong ine-export ng bansa, mas maraming pagkukunan ng raw materials para sa mga manufacturer, at mas matatag na market access para sa mga serbisyo.
Aniya, makakatulong din ang RCEP para mas mapapabilis at mapadali ang cross border trade, karagdagang market access opportunity sa mga propesyonal at negosyante, at mas matatag na financial at telecommunications services. | ulat ni AJ Ignacio