Nakahanda na ang Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng Philippine National Police (PNP) para i-deploy sa Albay kung sakaling kailangan ng dagdag-pwersa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, pandagdag ito sa 800 pulis na nakakalat sa kasalukuyan sa Albay sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Sinabi ni Fajardo na kasalukuyang naka-pwesto ang kanilang mga tauhan sa mga public school building, evacuation center, at mga istratehikong lugar sa Albay.
Giit ni Fajardo, tinututukan nila ang kaligatasan ng evacuees at mga residente na malapit sa danger zone kaya nagpakalat na sila ng mga pulis mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan. | ulat ni Leo Sarne