Registered subscriber ng isang telco pumalo na sa mahigit 40 milyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 45.252 milyon ang mga nairehistrong sim card sa ilalim ng Globe Telecommunications, Inc. isang buwan bago matapos ang itinakadang palugit para sa sim registration.

Ayon sa Globe, ito’y 94.92 percent ng mga aktibong tagasubaybay nito, base sa huling tala nito noong June 7, 2023.

Kasalukuyan, bukas ang 144 na mga Globe Store at 27 Easy Hub ng Globe upang tulungan ang mga tagasubaybay ng Globe na hirap magrehistro ng kanilang mga sim card.

Bukas ito sa mga senior citizen, persons with disability, mga buntis, at mga may cellphone na hindi makakonek sa internet. Kailangan lamang ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: buong pangalan, kaarawan, kasarian, address, at valid ID sakaling pupunta.

Maaari ring magrehistro online sa website ng Globe o kaya naman sa Globe One Application na maaaring ma-download sa Google Play at App Store. Kailangan dito na mag-upload ng selfie picture at i-check ang declaration form na ang mga binigay na impormasyon ay totoo.

Bukas na rin naman ang pagrerehistro ng sim card sa GCash para sa mga fully-verified na sim card ng Globe at TM. | ulat ni Lorenz Francis Tanjoco

📸: PNA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us