Reinstatement ni Sec. Galvez sa OPAPRU, malugod na tinanggap ni DND Sec. Teodoro

Facebook
Twitter
LinkedIn

Malugod na tinanggap ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pag-reinstate ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Secretary Carlito Galvez Jr. sa kanyang dating posisyon bilang kalihim ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU).

Ayon kay Teodoro, matagal na hinawakan ni Sec. Galvez ang OPAPRU at kabisado na niya ang lahat ng aspeto ng peace process.

Sinabi ni Teodoro na ang Peace Process ay isang mahalagang bahagi ng national security, at magiging katuwang niya si Sec. Galvez bilang Peace Adviser sa pagtataguyod ng pambansang seguridad.

Matatandaang pansamantalang hinawakan ni Sec. Galvez ang DND bilang Officer-in-Charge bago itinalaga ng Pangulo si Teodoro sa pwesto. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us