Republic of Korea, tatanggap ng mga aplikasyon para sa e-Group visa simula ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsimula nang tumanggap ang Republic of Korea ngayong araw, Hunyo a-27 ng mga aplikasyon para sa e-group visa ng mga nagnanais maging turista sa kanilang bansa.

Ito ang inanunsyo ng Korean Ministry of Justice sa pamamagitan ng inilabas nilang abiso sa official Facebook page ng Korean Embassy.

Ayon sa Embahada, maaaring ipadala ang aplikasyon para sa e-group visa sa pamamagitan ng mga kinikilalang Travel Agency ng Korean Embassy para sa pinaplanong pagbisita.

Hindi bababa sa 3 miyembro mula sa Company Initiative Tour Group, Educational Tour Group na mas mababa sa College level at Regular na Tour Group na papayagang bumiyahe ng magkakasama, anuman ang kanilang transport choices at parehas na iskedyul.

Magagawa ang aplikasyon sa pamamagitan ng 9 na itinalagang Travel Agency na makikita sa Korean Visa Portal.

Makikita naman ang 9 na accredited Travel Agency ng Korean Embassy sa kanilang official Facebook page na “Embassy of the Republic of Korea in the Philippines.”| ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us