Inaprubahan na ng National Innovation Council o NIC ang National Innovation Agenda and Strategy Document o NIASD 2023 to 2032.
Nakapaloob sa naturang dokumento o ang mga plano ng bansa tungo sa smart at innovative na Pilipinas.
Sa isanagawang pulong ng NIC, iprinesenta ni National Economic and Development Authority o NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon ang mga mahahagalagang punto ng NIASD.
Ani Edillon, mahalaga ang pagbuo ng isang dynamic innovation ecosystem upang maabot ang AmBisyon Natin 2040 na layong mabigyan ng matatag, maginhawa at panatag na buhay ang bawat Pilipino.
Binigyang diin din ng opisyal na ang pagkakaroon ng dynamic innovation ecosystem ay makatutulong na bumuo ng mga ideya at kalidad na produkto at serbisyo na magsusulong ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ang NIC na pinangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ay isang 25-member policy advisory body na binubuo ng 16 na department secretaries at pitong executive members mula sa pribadong sektor. | ulat ni Diane Lear