Patuloy na nakapagtatala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mataas na aktibidad sa Bulkang Mayon.
Batay sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, aabot sa 339 rockfall events ang naitala sa bulkan.
Wala namang na-monitor na volcanic earthquake bagamat may 13 dome-collapse pyroclastic density current events sa Bulkang Mayon.
Nagpapatuloy rin ang lava flow mula sa bunganga ng bulkan partikular na sa Mi-isi gully na may habang 2.5 kilometro, at 1.8 kilometro naman sa Bonga gully.
Bukod dito, nagkaroon din ng katamtamang pagsingaw na 750 metro ang taas habang patuloy rin ang pamamaga ng bulkan.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon. | ulat ni Merry Ann Bastasa