May aasahang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga motorista sa susunod na linggo.
Ito’y matapos ang ipinatupad na mahigit pisong oil price hike ng iba’t ibang kumpanya ng langis ngayong linggo.
Ayon sa source ng Radyo Pilipinas mula sa Oil Industry Players, naglalaro sa 40 hanggang 60 sentimos ang inaasahang rollback sa kada litro ng gasolina.
Habang naglalaro naman sa 30 hanggang 50 sentimos naman ang posibleng rollback sa kada litro ng diesel at mula 40 hanggang 65 sentimos ang posibleng rollback sa kada litro ng kerosene
Ganito rin ang inihayag ni Asst. Dir. Rhodela Romero mula sa Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy batay sa kanilang pagbabantay sa apat na araw na trading ng langis.
Lunes madalas inaanunsyo ng mga kumpaniya ng langis ang kanilang Price Adjustment na ipinatutupad tuwing araw naman ng Martes. | ulat ni Jaymark Dagala