Ruel Rivera, itinalagang bagong hepe ng BJMP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Ruel Rivera bilang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Pinalitan ni Rivera si General Allan Iral na nagretiro na sa serbisyo noong June 23.

Ayon sa BJMP, inaasahang isusulong ni Rivera ang J.A.I.L. Plan 2040; “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” (BIDA) Program, at ang Philippine Development Plan 2023-2028 ng Marcos Administration.

Inaasahan ding patuloy nitong itataguyod ang mandato ng BJMP na maghatid ng ligtas at maayos na jail facilities sa bansa.

Pamumunuan ni Jail Director Rivera ang nasa 20,813 jail personnel at 126,606 persons deprived of liberty (PDL) na nakapiit sa 479 jail facilities sa bansa at may nationwide congestion rate na 365%.

Bago itinalagang hepe ng BJMP, nanilbihan si Rivera bilang Regional Director ng BJMP-MIMAROPA mula 2013- 2014, Chief ng Directorial Staff noong 2017, Deputy Chief for Operations noong 2018,  Deputy Chief for Administration noong July 2019, at Acting Chief noong March 27, 2023.

Nagtapos si BJMP Chief Rivera sa PNPA Patnubay Class of 1995.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us