Ruling ng Korte Suprema sa batas na nagpapaliban sa BSKE, welcome kay Sen. Koko Pimentel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na pinatunayan ng desisyon ng Korte Suprema ang kanyang posisyon tungkol sa batas na nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) o ang Republic Act 11935.

Sa ilalim ng naturang batas ay ipinagpaliban sa Oktubre 2023 ang BSKE sa halip na isagawa noon sanang December 2022.

Ang pahayag na ito ng senador ay kasunod ng inilabas na desisyon ng Supreme Court (SC), na nagdedeklarang unconstitutional sa naturang batas pero kinikilala naman ng korte ang practicality nito.

Matatandaang tutol si Pimentel sa pagsasabatas ng postponement ng BSKE, at sinabi nitong walang sapat na rason para i-delay ang halalang pang barangay.

Sinabi ng minority leader, na ang BSKE ay magandang pagkakataon sana para magsagawa ng referendum tungkol sa performance ng mga kasalukuyang nakaupo sa barangay, lalo na pagdating sa pagtugon ng mga ito sa pandemya.

Iginiit ng senador, na ang ruling na ito ng SC ay makakatulong para maiwasan ang madalas na pagpapaliban ng barangay at sangguniang kabataan elections, na nakakasama sa mga mamamayang Pilipino at sa democratic process ng bansa. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us