Nangunguna pa rin ang sakit sa puso bilang pinakasanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Sa datos na inilabas ng PSA, mula Enero hanggang Disyembre ng 2022 ay umabot sa 119,966 ang bilang ng nasawi dahil sa heart disease o katumbas ng 18.3% ng total deaths sa bansa.
Pumangalawa naman ang neoplasms o tumor na nagdulot ng 66,606 deaths (10.2%).
Kasama rin sa may mataas na mortality rate ang cerebrovascular diseases kabilang ang stroke na nagresulta ng 66,466 na pagkasawi noong 2022.
Pasok rin sa Top 5 na nangungunang dahilan ng pagkasawi sa bansa ang diabetes at hypertensive diseases.
Samantala, malaki naman ang ibinaba ng COVID related deaths sa bansa noong 2022.
Sa tala ng PSA, nasa 17,550 ang registered deaths dahil sa COVID-19 noong 2022 na 84.4% na mas mababa kumpara sa naitalang 112,772 deaths noong 2021. | ulat ni Merry Ann Bastasa