Sandiganbayan, magtatayo ng pabahay project para sa mga opisyal at empleyado nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Plano na rin ng Sandiganbayan na magtayo ng housing unit para sa kanilang mga opisyal at kawani sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing Program.

Katunayan, nakipagpulong na si Sandiganbayan Associate Justice Hon. Michael Frederick Musngi kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar para sa potential partnership.

Nangako naman si Secretary Acuzar, na suportahan ang housing program ng Sandiganbayan.

Noong unang bahagi ng Pebrero, naghayag na ng interes ang sangay ng hudikatura sa flagship housing program ng pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us