Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa, nagpasa ng resolusyon ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Senador Rodolfo Biazon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa ng isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa mga naulila ni dating Senador Rodolfo Biazon.

Sa nasabing resolusyon, lubos na nagpapasalamat ang lungsod sa dating senador sa kanyang buhay ng pagiging makabayan, pagkakaroon ng dedikasyon sa tungkulin, at sa kanyang hindi matatawarang paglilingkod hindi lamang sa Muntinlupa, kundi pati sa buong bansa.

Kinilala rin ng konseho ang hindi matatawarang serbisyo ni Biazon at ang commitment nito na ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya.

Binigyang-diin ng konseho na kanilang ipagpapatuloy ang legasiya ni Biazon sa larangan ng serbisyo publiko.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us