Sanhi ng power outage sa NAIA T3, tukoy na–MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

๐’๐€๐๐‡๐ˆ ๐๐† ๐๐Ž๐–๐„๐‘ ๐Ž๐”๐“๐€๐†๐„ ๐’๐€ ๐๐€๐ˆ๐€ ๐“๐Ÿ‘, ๐“๐”๐Š๐Ž๐˜ ๐๐€–๐Œ๐ˆ๐€๐€

Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga naabalang pasahero ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ito’y kasunod ng nangyaring power outage sa nasabing paliparan kaninang pasado alas dose ng tanghali na tumagal ng mahigit isang oras.

Kaagad nagpulong ang mga opisyal ng MIAA hinggil sa naturang usapin at para tukuyin ang pinagmulan ng naturang aberya

Sa pulong balitaan ngayong hapon, sinabi ni MIAA Acting General Manager Brian Co na nagsagawa kasi sila ng electrical audit sa roadway 1 at 2 ng nabanggit na terminal.

Ayon kay Co, pansamantalang isinara ang mga naturang roadway upang isailalim sa comprehensibong pagsusuri ng kanilang engineering department.

Gayunman, naiwan ang isang testing equipment sa naturang roadway na siyang nagdulot ng short circuit na nagresulta naman sa kawalan ng kuryente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us