Saudia Airlines, naglaan ng special flights para sa Hajj Pilgrims

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naglaan ng special flights ang Saudia Airlines para sa mga kapatid sa Islam na tutungo sa Medina para sa banal na Hajj.

Ayon sa Manila International Airport Authority o MIAA Media Affairs Division, ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming kababayang Muslim na makatungo sa banal na lungsod upang mag-alay ng pagsamba at panalangin.

Maliban sa Saudia Airlines, tuloy-tuloy din ang paghahandog ng kanilang flights ang Philippine Airlines o PAL mula Maynila patungong Medina at pabalik.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa paliparan, kapansin-pansin ang tuwa ng mga kapatid na Muslim na makatungo sa Hajj sa tulong ng National Commission on Muslim Filipinos o NCMF.

Gayunman, nagpaalala ang mga awtoridad sa mga kapatid na Muslim na mag-ingat sa mga naglipanang kawatan na ginagamit ang okasyon para magsamantala. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us