Scholarship para sa mga anak ng magsasaka at mangingisda, itinutulak sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ni Pinuno Party-list Representative Howard Guintu ang House Bill 8423 o Educational Scholarship for Children and Dependents of Farmers and Fisherfolks Act.

Layunin nito na mabigyang scholarship mula elementarya hanggang kolehiyo ang mga anak ng magsasaka at mangingisda na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na ginagamit ng Department of Agriculture (DA).

Punto ng mambabatas na kung pagbabatayan ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang mga mangingisda ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2021 na umaabot sa 30.6 percent at sumunod ang magsasaka na 30 percent.

Saklaw ng scholarship ang pampubliko o pribadong educational institution.

Magkatuwang naman ang Unified Student Financial Assistance for Tertiary Education (UniFAST) Governing Board, DA at mga kinatawan ng magsasaka at mangingisda ang siyang gagawa ng proseso ng pagpili ng gagawing scholar.

P50 million na paunang pondo naman ang ipinapanukala ni Guintu para sa programa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us