Binisita ni Vice President Sara Duterte ang Southeast Asian Ministers of Education Organization Regional Learning Centre sa Singapore.
Dito ay ibinahagi ng RELC sa pangalawang pangulo ang mga pangunahing programa nito kabilang ang pagbibigay ng scholarship programs sa mga guro mula sa bansang kasapi ng organisasyon at pagdaraos ng international conferences.
Ang RELC ay isang proyekto ng SEAMEO na naglalayong suportahan ang language education ng mga bansa sa Southeast Asia upang sabay-sabay na paunlarin ang kalidad ng edukasyon.
Sa pagbabahagi ni Centre Director Susan Leong sa scholarship program ay umaasa si VP Sara na maraming Pilipinong guro ang makikinabang dito.
Isa sa mga language education scholarship beneficiary na nakilala ng bise-presidente ang guro mula sa Catanduanes na si Aileen Bajaro.
Nakatanggap ng scholarship si Bajaro mula sa SEAMEO RELC sa ilalim ng Master of Teaching English to Speakers of Other Languages. | ulat ni Hajji Kaamiño
📸: OVP