Isang engrandeng homecoming ang iginawad kay Ms. Fatima Ayesha J. Amirul, ng ito ay umuwi sa bayan ng Bongao kahapon matapos makasungkit ng gintong medalya sa larangan ng women’s soft tennis sa bansang Cambodia.
Pinangunahan ni Provincial Tourism Officer Pershing Tayyab, kasama ang Provincial Sport Coordinator mga represetante ng Bongao LGU, mga kapwa tennisters, kasama na ang buong pamilya ni Ms. Amirul.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang nakasaksi ang mga well-wishers na red carpet pa ang inilatag provincial tourism office, sa sa harap mismo ng terminal ng Sanga-Sanga Airport.
Mula sa paliparan ng Sanga-Sanga, ipinarada sa pamamagitan ng motorcade ang kauna-unahang atleta na nag-uwi ng gintong medalya sa buong bayan ng Bongao, na kung saan galak na galak ang taong bayan na makita muli si Ms. Fatima Amirul sakay ng isang float, at matapos, nagkaroon pa ng isang maikling programa sa Beachside Inn Hotel ang Restaurant.
Samantala, kaagad ding inimbitahan ng Provincial Administrator Mr. Mobin Gampal, si Ms. Amirul, base na rin sa instruksyon ni Governor Yshmael Mang Sali, at nagkaroon din ng maikling pagpupulong, na kung dito na inilatag ang higit pang magarbong pagtanggap at pagkilala sa malaking naging ambag nito para matupad ang pangarap ng punong panlalawigan, na makikila ang lalawigan ng Tawi-Tawi sa buong bansa at buong mundo, base na rin sa tourism ads nito na “Tawi-Tawi to the World.”
Inihayag ni Provincial Administrator Gampal, na personal inimbitahan ni Gov. Mang Sali ang gold medalist na bumalik sa Tawi-Tawi, sa July 1, upang tumayo bilang torch bearer sa grand opening day Governor’s Cup, at lalo na sa 50th Golden Anniversary ng lalawigan ng Tawi-Tawi sa darating na Setyembre. Akmang-akma ang nakamit nitong gintong medalya sa katatapos na 2023 SEA Game sa bansang Cambodia.| ulat ni Sharon Jamasali| RP1 Tawi-Tawi