Sec. Herbosa at Sec. Teodoro, kapwa magdadala ng reporma sa DOH at DND – Albay solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahan na ni Albay Rep. Joey Salceda ang magandang pagbabagong dala nina Health Sec. Ted Herbosa at DND Sec. Gibo Teodoro bilang bagong kalihim ng naturang mga ahensya.

Ayon kay Salceda, malaking bagay ang civilian perspective na bibit ni Defense Sec. Teodoro sa pagkumpas nito sa defense situation ng bansa.

Bilang isang abogado ay tiyak aniyang igagalang nito ang batas.

Malalim at malawak din aniya ang pananaw ng bagong DND chief pagdating sa usapin ng national security.

Kumpiyansa rin ang House Tax chief na magagampanan nito ang mga pagbabagong kailangan sa ahensya gaya ng pagtugon sa kalamidad at pagpapalakas sa defense requirements.

“His thoughts about national security align most with President Marcos’s general inclination towards our traditional alliances, so he will fit very well in the President’s official family. I congratulate him and offer him all the support he will need.” saad ni Salceda

Positibo naman si Salceda na si Health Sec. Herbosa na ang kalihim na makapagtutulak sa pagpapatayo ng Center for Disease Control.

Bilang isa sa mga Health officials na bahagi ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases, ay magagamit aniya ni Herbosa ang kaniyang pagiging ‘crisis manager’ lalo na sa isyu ng mabagal na procurement at distribution at mababang vaccination rate.

“His crisis work will help him address the DOH’s perennial procurement, logistics, and distribution issues. His work on infectious diseases should also help him address abysmal vaccination rates in certain long-standing infectious diseases such as diphtheria, measles, MMR, and other vaccine-preventable diseases…A doctor-manager like him is an excellent fit for the needs of the job.” dagdag pa ni Salceda.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us