Mananatiling Presidential Adviser on Poverty Alleviation si Secretary Larry Gadon.
Ito ang inilabas na statement ng Palasyo sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasunod ng ‘disbarment’ ng dating abugado.
Ayon kay Bersamin, mananatiling bahagi ng administrasyon si Gadon at hindi hadlang ang disbarment nito para hindi magampanan ang trabahong ibinigay sa kanya ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr.
Tiwala ani Bersamin ang Pangulo na magagawa ni Gadon ang kanyang mandato.
Naniniwala aniya ang Chief Executive na walang epekto ang naging estado ni Gadon sa kanyang magiging trabaho bilang isang presidential adviser at ito’y kasunod ng pasya ng Korte Suprema na itiwalag ito sa pagiging abugado. | ulat ni Alvin Baltazar