SEC, nagsampa na ng kaso sa isang korporasyon dahil sa pagpapakalat ng investment scam

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na ng kaso ng Securities and Exchange Commission ang isang Petroleum Company na nagpapalaganap ng investment scam sa bansa.

Ayon kay SEC Enforcement and Investor Protection Department Director Oliver Leonardo, sinampahan nila ng kaso ang kumpanyang Petromobil Corporation na lumabag sa SEC Regulation Code.

Dagdag pa ni Leonardo, hindi awtorisado ang naturang kumpanya sa pagbibigay ng investment schemes dahil hindi ito lisensyado sa SEC at maaaring mauwi sa wala ang mga mag-iinvest sa naturang kumpanya.

Sa huli, muling nagpaalala ang SEC sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga investment scheme at i-verify ang naturang mga kumpanya sa kanilang tanggapan. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us