Seguridad ng mga Pilipino, dapat tiyakin sa planong pagpapatuloy sa Pilipinas ng mga Afghan refugees — Sen. Go

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nais na matiyak ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng mga Pilipino sa anumang arrangement o kasunduan na papasukin ng ating gobyerno sa ibang bansa.

Tinutukoy ng senador ang sinasabing plano na pahintulutang manatili pansamantala dito sa Pilipinas ang ilang Afghan refugees habang nagpoproseso sila ng immigration visa.

Ayon kay Go, bagamat hindi masamang magpaabot ng humanitarian aid sa ibang bansa ay mahalagang timbangin muna kung ang gagawing plano ay makakaapekto sa seguridad ng ating bansa.

Sa kabilang banda, sinabi ng senador, na miyembro rin ng Senate Committee on Foreign Relations, na kailangan ring mapakinggan ang panig ng lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa naturang plano.

Inalala ng senador na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay pinayagan na rin ang pagpapatuloy ng mga Afghan refugees sa Clark dahil sa nangyari sa kanilang bansa noon.

Bukas nakatakdang talakayin ng Senate Committee on Foreign Relations ang naturang plano na pagpapatuloy sa mga Afghan refugees. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us