Libo-libo ang nakitampisaw sa selebrasyon ng taunang Regada Water Festival sa Cavite City bilang bahagi ng pista ni San Juan Bautista.
Mula pa kahapon, isinara ang P. Burgos St. para sa kapistahan.
Nagbuhos ng tubig ang mga fire truck habang nagbitbit ng water gun ang ibang nakilahok.
Nakisali rin sa selebrasyon si Cavite City Mayor Denver Chua.
Bumalik ang sigla sa lugar mula noong ipatigil ang pista dahil sa COVID-19 pandemic.
Matapos ang basaan, sinundan ito ng live performance ng iba’t ibang artists.
Nagsimula ang mga aktibidad para sa Regada Festival nitong June 17.| ulat ni Bernard Jaudian Jr.