Sen. Bong Go, pinaalalahanan ang mga lokal na pamahalaan at residenteng malapit sa Bulkang Mayon na maging alerto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na maging handa sa pagbibigay ng mga kinakailangang resources at tulong sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay, Bicol.

Hinikayat rin ni Go ang mga residente sa loob ng six-kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon na maging alerto, sumunod at makipagtulungan sa mga awtoridad para sa kanilang kaligtasan.

Umapela rin ang mambabatas sa mga LGU na tiyakin ang availability at accessibility ng mga maayos at malinis na emergency shelter, evacuation centers, at mga kinakailangang supplies oras na lumala ang sitwasyon.

Pinunto ni Go na ang Mayon ay isa sa pinaka-aktibong bulkan sa Pilipinas, kaya naman nararapat lang aniya na laging maging handa para tugunan ang potensyal na epekto ng mga susunod pa nitong pagputok.

Dito aniya makikita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng hiwalay na Department of Disaster Resilience.

Iginiit ni Go na sa pamamagitan ng pinapanukalang bagong ahensya ay mapagtutuunan ng pansin ang paghahanda sa mga natural calamities gaya ng pagputok ng bulkan, mga bagyo, at iba pang sakuna.

Sa pamamagitan rin aniya nito ay magkakaroon ng centralize efforts, streamline coordination, at masisiguro ang mabilis at epektibong pag-response sa mga emergency. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us