Sen. Go, ikinagagalak ang pagkakatalaga kay dating National Task Force Adviser for COVID-19 Dr. Ted Herbosa bilang DOH Secretary

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinagagalak ni Senador Bong Go ang pagkakatalaga kay dating National Task Force Adviser for COVID-19 Dr. Teodoro Herbosa bilang Kalihim ng Department of Health.

Ayon kay Senador Go, isang welcome development ang pag-appoint kay Dr. Herbosa dahil sa kaalaman nito sa COVID-19 response at public health management.

Nakatrabaho rin ng Senador ang bagong kalihim sa Inter-Agency Task Force ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at naniniwala ito na malaki ang maitutulong ni Herbosa na palakasin pa ang healthcare system ng bansa.

Sa pagkakatalaga kay Secretary Herbosa, nakiusap ang senador sa opisyal na sa pagpapalakas ng healthcare system ng bansa ay gawing prayoridad sa paglilingkod ang mga mahihirap at walang matakbuhang Pilipino. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us