Pinangunahan ni Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go ang pamamahagi ng financial assistance sa 2,220 benepisyaryo sa Tagum City na isinagawa sa Davao del Norte Training Center.
Ang P3,000 na ayuda ay bahagi ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga low-income earners sa probinsya.
Bukod sa pagbibigay ng financial assistance, namahagi rin ang opisina ng senador ng mga grocery packs, face masks, vitamins, mga bola, bisikleta, sapatos, mobile tablets at saklay sa mga persons with disability (PWD).
Sinabi naman ng opisyal na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng pamahalaan lalo na sa mga nangangailangan.
Samantala, nananawagan rin ito sa mga kapitan ng barangay na magkaroon ng grassroot programs lalo na sa sports para sa mga kabataan upang mailayo ang mga ito sa iligal na druga. | ulat ni Sheila Lisondra | RP1 Davao