Sen. Joel Villanueva, naatasan bilang caretaker ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magsisilbing caretaker ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa susunod na dalawang linggo ngayong session break.

Base sa Special Order No. 2023-020 na inilabas ng Office of the Senate President at pinirmahan nitong June 1, 2023, itinalaga si Villanueva ni Senate President Juan Miguel Zubiri bilang Officer-In-Charge ng Senado mula June 3 hanggang June 15, 2023.

Ang pagtalaga kay Villanueva ay alinsunod sa Rule IV ng Rules of the Senate.

Sinabi naman ng Majority leader na business as usual pa rin ang Senado kahit nag-adjourn na sila ng sine die nitong Miyerkules.

Base kasi sa inaprubahang Senate Resolution 21 ng Mataas na Kapulungan, maaari pa ring magsagawa ng hearings, meetings, at consultations tuwing recess ng Senado para magpatuloy ang proseso sa pagpapasa ng mga nakahaing panukala at magsagawa ng imbestigasyon sa mga isyung may national significance at makakatulong sa pagbalangkas ng mga batas. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us