Sen. JV Ejercito, suportado ang resolusyong idulog sa UN ang patuloy ng panggigipit ng China sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Suportado ni Senador JV Ejercito ang resolusyon ni Senadora Risa Hontiveros na humihikayat sa gobyerno na idulog na sa United Nations General Assembly (UNGA) ang patuloy na pangha-harass ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.

Ayon kay Ejercito, lumilitaw na nagiging regular na ang panggigipit o pangha-harass ng mga tropa ng China sa mga mangingisdang Pilipino maging sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy.

Ipinaalala pa ng senador na mahigit 100 note verbale na rin ang naihain ng Department of Foreign Affairs laban sa China subalit hindi naman ito inaaksyunan.

Mahalaga anyang magamit ng gobyerno ang lahat ng diplomatikong pamamaraan upang maresolba ang isyu at kabilang na dito ang pagdulog sa UN.

Napakahalaga anyang muli nating igiit ang pagkapanalo ng bansa sa The Hague na kumikilala sa soberanya ng Pilipinas sa naturang teritoryo. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us